Ms. World PH 2021 Tracy Maureen Perez, all-set na sa pagbabalik Puerto Rico para sa coronation night

0
Booking.com



Handang handa na para sa kanyang pagbabalik sa San Juan, Puerto Rico ang pambato ng bansa sa Miss World 2021 pageant.

Sa March 16 na ang itinakdang coronation night ng Miss World 2021. Ito ay matapos ang halos tatlong buwang pagitan ng simula ng ma-cancel ang naturang koronasyon nitong nakaraang Disyembre.

Para kay Tracy… Tuloy lang ang laban!

Nakakaramdam man siya ng pangamba… Ngunit mas nangingibabaw pa rin ang kaniyang kasiyahan sa nangyayari sa kaniyang journey sa pageantry. At ito ay labis niyang ipinagpapasalamat.

Napabilang sa listahan ng 15 fast track winners ng 70th edition si Tracy sa nasabing pageant. Ang fast track winners ay ang mga kandidatang nagtamo ng mataas na puntos sa mga fast track competitions, gaya ng Beauty with a Purpose, Head to Head, sports, talent, top mode, at multimedia.

Sa kategoryang ‘Beauty with a Purpose’ at ‘Head to Head’ nanguna si Tracy.

Habang naghihintay sa takdang panahon para sa Miss World ay naging abala si Cebu Beauty sa outreach project para sa mga single mothers sa Cordova, Cebu. Gayundin sa pagtulong sa mga kababayan nating labis na nasalanta ng bagyong ‘Odette’.

Beaver Seeds - Get Out and Grow Spring Sasquatch 300x250

Samantala… Sa hiwalay na post… Ibinahagi rin ng Miss World ang mga petsa para sa natitirang activities ng beauty pageant.

Inaasahan ang pagdating ng mga kandidata ng Miss World 2021 sa March 12 sa Puerto Rico.

After coronation night ng March 16, sa March 17 ay may inaasahang ‘Beauty with a Purpose’ special event at March 18 ay inaasahang uuwi na ang mga kandidata sa kani-kanilang bansa.

——–
The station is dedicated to the growth and revolution of the new media era. It is created as a community and a resource — a center of values where its best practices can be explored and where vision and innovation are shared to build new opportunities that enrich life.

SUBSCRIBE to NET25 YouTube Channel: https://www.youtube.com/c/Net25Tv/

VISIT our official website: https://www.net25.com

FOLLOW our social media accounts:
Facebook: https://www.facebook.com/NET25TV
Instagram: https://www.instagram.com/net25tv/
TikTok (@net25tv): https://www.tiktok.com/@net25tv
TikTok (@net25news): https://www.tiktok.com/@net25news
Twitter: https://twitter.com/NET25TV

source

Leave A Reply

Your email address will not be published.